UPCAT Tips

Hi! Papalapit na nang papalapit ang pinakahihintay ng lahat ng mga mag-aaral na gagradweyt sa sekondarya, ang UPCAT.

Kapag napagdesisyunan mo na ituloy ang iyong UPCAT sa simula ng Agosto, isa ka sa libu-libong mag-aaral na umaaasang makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa aming batch, mahigit 70,000 ang kumuha ng eksam #.

Handa ka na ba?

Disclaimer: Ako ay isang 2007-***** BS Civil Engineering UP Diliman student. Ibig sabihin, taong 2006 noong ako ay kumuha ng UPCAT. Ang mga nakasulat sa ibaba ay binase ko lamang sa aking mga naranasan at nasaliksik noong 2006 hanggang 2007. Maaaring ang iba sa mga ito ay hindi na totoo at kailangan nang i-update. Kapag may gusto kang idagdag, huwag mag-atubiling mag-iwan ng kumento sa ibaba upag maidagdag ko sa artikulong ito. Maraming salamat.

Hinalukay ko pa ang aking blog noong nakaraang taon upang ihatid sa inyo ang mga nagamit kong tips mula sa iba’t ibang tao, at pati na rin sa aking karanasan nang ako’y kumuha ng eksam.

  1. Apat ang mga batch ng eksam sa UP Diliman (hindi ako sigurado kung paano ang iskedyul sa ibang mga constituent university) na gaganapin sa Agosto 2 o 3, 2008. Tignan nalang ang inyong mga test permit para sa mga detalye. Hindi magkakapareho ang mga exam items sa bawat batch kaya’t huwag na tangkaing humingi ng leakage sa iyong matalik na kaibigan na umaga ang pagsusulit. Siguraduhing may lapis ka na at matinong pambura.
  2. Ayon sa nakararami, hindi mainam ang pag-aaral nang gabi bago ang araw ng iyong pagsusulit. Malaki, ‘di umano, ang posibilidad na ikaw ay ma-”mental block” habang ika’y nasa gitna ng iyong pagsusulit, kaya pinapayuhan kitang mag-aral na dalawang linggo bago ang eksam at ituloy lang ito hanggang isang linggo na lamang ang nalalabi. Hipokrito ako. Nag-aral ako nang seryoso noong isang linggo na lamang ang nalalabi bago ang aking pagsusulit at nag-handa parin hanggang sa bisperas ng UPCAT. Huwag akong tularan kapag hindi naman sanay sa pagka-cram.
  3. Pinapayuhan din kita na kumain ng “brain foods” at isama ito sa iyo dyeta. Ang mga nakatala sa ibaba ay mga pagkaing tiyak na makatutulong sa pag-aaral mo.
    1. Itlog. Ang itlog, tulad ng mani, atay, gatas at isda ay maaaring pagkunan ng neurotransmitter na Acetylcholine na tumutulong sa pagbuo ng “memory stem cells” ng iyong utak.
    2. Oatmeal. Ang oats ay magbibigay sa ‘yo ng karampatang enerhiya sa kadahilanang ang mga whole grain ay mataas sa fiber.
    3. Ang mga antioxidants tulad ng prunes at strawberries ay sinasabing makatutulong upang maiwasan ang oxidative stress ng utak, ayon sa mga researchers.
    4. Ang mga oily na mga isda tulad ng salmon at tuna ay mayaman sa omega-3 na esensyal sa optimong performans ng iyong utak.
    5. Kung mahilig ka sa tsokolate, piliin ang dark chocolates. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sabi brain food din ito. #
  4. Ang suma-total ng iyong pagsusulit ay babawasan pa ng isang-kapat (1/4) na puntos sa iyong bawat maling aytem. Ang mga blangko na sagot ay walang karampatan na puntos o pag-bawas sa iyong iskor. Hindi ako nagbibiro, kaya’t mabuti nang sigurado ka sa iyong mga sagot. Hindi ko maaaring sabihin kung iiwan mong blanko ang mga katanungang hindi mo alam o huhulaan mo, dahil subhektibo naman ang pag-aanalisa dito. Kung sa tingin mong hindi naman maka-aapekto ang pag-bawas sa iyong pagsusulit, edi manghula ka. Hindi ako nanghula dahil humigit-kumulang 30 ang aking mga walang sagot, at ayaw kong mabawasan ang mga sagot kong sigurado naman.
  5. Matuto at masanay na sumagot sa pinakamabilis na paraan. Ang oras ang iyong kalaban bukod sa pataasan ng UPG ng iyong mga kapwa-kukuha ng pagsusulit. Noong ako’y kumuha ng UPCAT, nakulangan ako ng oras sa pagsagot ng unang bahagi sapagkat wala akong dalang relo at hindi ko na-manage ang aking oras.
  6. Para sa mga nasa una hanggang ikatlong taon sa hayskul: Iwasan ang mga mabababang marka. Malaking porsiyento ang kukunin mula sa iyong mga marka sa report kard mula una hanggang ikatlong taon. Kung galing ka sa isang Science High School at hindi pa bumabagsak (gradong mas mababa sa 85 o 83), mapalad ka dahil malaki ang porsiyentong mapapasok ka sa UP. Ito na nga lang yata ang humatak sa akin upang makapasok sa UP. Hehe.
  7. Mga dapat dalhin sa araw ng eksam:
    1. Test Permit
    2. High School ID
    3. Mga (mahigit tatlo) nakatasang Mongol Pencil #2. Inirerekumenda na #2 For Kids ang bilhin upang mas madaling mag-shade ng mga sagot. Ang mga ekstrang lapis ay upang hindi ka na maubusan ng oras kakatasa ng iyong mga napupudpod o nababaling lapis.
    4. Ang jacket ay kailangan para sa mga ilang kwarto na kasing lamig ng refrigirator ang aircon. Ang mga siguradong malamig na silid ay ang mga silid sa School of Economics at ang Engineering Theater.
    5. Maulan ngayong buwan kaya’t kailangan mo ng payong. Bawal magkasakit. May mga kilala akong nilagnat kinabukasan pagkatapos ng UPCAT.
    6. Tubig. Mahigit limang oras ang test, kailangan mo ng likido.
    7. Pagkaing hindi makadudumi ng iyong papel. Importanteng hindi ito makadudumi sapagkat machine lamang ang magwawasto ng iyong papel. Kapag madumi ito’y maaaring mali ang pagkakabasa ng machine.
    8. Relo (o wall clock, hehe). Malalaman mo talaga ang halaga ng pag-badyet ng oras sa pagkuha mo ng UPCAT.
  8. Para sa mga mag-eeksam sa UP Diliman, magpunta na doon dalawang oras bago ang aktwal na oras sa itong test permit. Mabigat ang trapikong sasalubong sa’yo kapag ika’y dumating sa saktong oras. Noong ako ang kumuha ng eksam, alas-diyes palang ay nasa UP na kami ng aking nanay. Napansin ko na alas-onse pa lamang ay namumuo na ang dami ng sasakyan sa campus.
  9. Alamin na kung saan ang gusali ng iyong pagkukuhanan ng pagsusulit ilang araw bago ang aktwal na araw. Mahirap maligaw sa mismong araw ng eksaminasyon.
  10. Matulog ng maaga kapag umaga ang eksam.
  11. Huwag masiyado kumain ng tanghalian kapag ika’y pang-hapon upang maiwasan ang pagbisita sa iyo ng iyong kalaban sa Reading Comprehension–antok.
  12. Magpunta na sa banyo bago pa man magsimula ang test. Halos tuloy-tuloy ito kung katulad mo akong mabagal sumagot, kaya mahirap magpa-iskyus sa inyong mga proctor upang tumakbo’t magmadali sa banyo.
  13. H’wag kalimutang pasalamatan ang mga tumulong sa’yo sa pagrerebyu. H’wag ding kalimutang magdasal sa Poon upang bigyan ka ng sapat na lakas a fokus sa eksam, at ilayo ka sa mga distraksyon kapag nag-aaral. Maniwala ka sa sarili mong makakaya mong maipasa ang UPCAT, lalo pa’t nag-handa ka at ginawa mo ang lahat ng ‘yong makakaya upang makapasa sa State-U.
  14. Hindi porket nakapasa ka sa UP ay makakapasok ka na. Mahal na ang tuition dito. Kailangan mo ng labingwalo hanggang dalawampu’t dalawang libong piso upang makabayad ng matrikula. May STFAP na pwedeng aplayan kapag kayo’y kapos talaga sa pera. Pumunta na lamang sa Office of the Vice Chancellor for Student Affairs sa Vinzon’s Hall (Para sa UP Diliman) upang makakuha ng karagdagang impormasyon.

Mula sa mga comments:

Ito ang ilan sa mga tips ng mga mambabasa ng blog na ito: hay. upcat. aba mga 8 years ago na rin talaga yung sa kin ah. at although tapos na, just in case may mga makabasa pa nito sa mga susunod na taon ay… mas madali ang UPCAT kaysa mga exam kagaya ng Ateneo. Tingin ko hindi naman ganun kailangan sobrang bilis sumagot dito. Dahil mas madali ang exam na ito, every point really counts kaya take your time para mamake sure na tama ang sagot mo.:-) isa ako parati sa mga huling natatapos nun dahil 2 times ko ata nareview ang mga sagot ko. tingin ko ay mabuti naman ang binunga nito. -Pam

English (language) - more on identfying errors and arranging ideas in a pharagraph nd sentences.. ualang vocab.. sabi pa nga nung babaeng narinig q sa tapos nung exam.. kausap nya yung kaibigan nya at nagtatanung ata ng leakage.. “Don’t worry.. you will pass! the english part is so easy.. U know,, the hardest word is like ’screwshinating’ (mali ang spelling).. okay i’ll call u back!” :D.. wahaha.. naku yung mga ques in fili prang bonus na lng.. except na lng kung conio ka tulad nung babae sa taas.. masasabi mu na lng. “oh my gosh! What does nakakapagpakabagab means?. as in kabag?.. OMG!”.. haha ol

Science - more on analyzing graphs.. s**t nga lng at d q naxagutan yung question sa balacing equation.. yun lng yung naalala qung chem ques.. ska sa may element.. bsta kyankyang mo to.. marami ding punnet squares!..

mATh - uah dpat magaling kang mag analisa.. hindi basta basta na basic formulas lng ang gagamitin.. pag mahirap ang tanung lagpasan mu na lng.. mauubos ang oras mo.. tulad ng nangyari sakin!.. waah.. (please LORD!)

Reading comp - mahahaba.. in some parts.. mas effective na basahin muna ang ques and then skim the paragraph for the answer.. waah.. lucky me.. 5 lng ang di ku nasagutan.. pero di ko blinank shinotgun ko!!.. haha! -mang Pred

Kaya niyo yan!
Salamat kay Ate Ziella at Macy para sa ibang mga tips. Mangyaring tignan ang aking Disclaimer at Terms of Service kapag nais niyong kunin ang post kong ito. Gusto niyo bang makita ang lumang UPCAT Tips?

UPDATE: Mula kay Nikki na isang BS Civil Engineering student, kaya brain food ang dark chocolates dahil ito ay isang antioxidant.

116 Responses to “UPCAT Tips”


  1. 1 armina

    wow, grabe, binasa ko talaga. ahaha.

    kinakabahan na tuloy ako. hahaha.

  2. 2 orlie

    wahaha.. kinakabahan na ako.. salamat naman sa mga tips kuya chito!! haha.. gudluck na lang sa atin 08 pips.. haha malapi-lapit na pala.. less than 2 weeks na lang haha..

  3. 3 Chito

    h’wag kayo kabahan. hahaha, kakabagin kayo niyan! :D QueSci students kayo (wag lang lalaki ulo parang mga ****, hahaha) kaya’t kering keri, ok ba? haha..

  4. 4 ayiene

    haha, kinakabahan na ako.

    nga pala, nasa credits page po un tungkol sa web band. :)

    sorry po. :) magpopost na lang po ko tungkol dun. :D:D

  5. 5 Jesse

    Doodes… Add q lng ito sa mga dapat kainin…

    Loperamide stuffs…

    xempre, matatae ka sa hirap ng math part (slyt lng nman pero matatae ka parin)

    Natae aq nung exam, dhil sa kakaisip ng “TAE, SHIT, Uhh-Uhh, Pooh-pooh, etc.”

    I FAILED THE TEST!!!

  6. 6 Chito

    Haha, I do not mean to scare you, pero oo, minsan kapag sobrang kinakabahan ako nagkakandaloko-loko ang bowels ko. haha. Jesse, I edited your comment, sa cyber etiquette kasi, ALL CAPS means sumisigaw ka. :)

  7. 7 dana

    wooow! good job chito :) goodluck ‘08!
    galingan nio! quesci tayo eh :) kita kits next school yr :)

  8. 8 oyie

    go go go chito!

    ang galing! ang haba! ang tagalog! hahaha!

    hayaan mo’t ililink ko itong bago mong UPCAT tips. sana’y ilink mo din yung akin. hahah!

  9. 9 laysa

    wow astigen! :) thanks sa tips! AYUS! enjoy pang basahin!

  10. 10 jun

    maraming salamat po sa pag post nito, malaki po ang maiitulong nito sa Aug5,.., (sa makalawa na!!!) salamat po talaga GOD bless

  11. 11 Chito

    Tapos na yung UPCAT, sana nakatulong ako.

  12. 12 pam

    hay. upcat. aba mga 8 years ago na rin talaga yung sa kin ah. at although tapos na, just in case may mga makabasa pa nito sa mga susunod na taon ay… mas madali ang UPCAT kaysa mga exam kagaya ng Ateneo. Tingin ko hindi naman ganun kailangan sobrang bilis sumagot dito. Dahil mas madali ang exam na ito, every point really counts kaya take your time para mamake sure na tama ang sagot mo. :-) isa ako parati sa mga huling natatapos nun dahil 2 times ko ata nareview ang mga sagot ko. tingin ko ay mabuti naman ang binunga nito.

  13. 13 reji

    dont mind asking how did you know that “Ang suma-total ng iyong pagsusulit ay babawasan pa ng isang-kapat (1/4) na puntos sa iyong bawat maling aytem. “

  14. 14 Chito

    hello reji, sinabi yan sa amin bago mag-exam. 2006 ako nag-UPCAT (bale, 2007 ang student number ko). hindi ko alam kung sinabi noong recent UPCAT.

  15. 15 lawlaw

    hey, :D binasa ko tong blog entry na’ to 7 months ago.. at eto ako ngayon, pasok NA sa UP. :D MARAMING SALAMAT!

  16. 16 Rosenel

    Hayyyyzzzz… -_-’ I wish I would pass UPCAT when I take it this year, this summer, I’d be reviewing non-stop for it!

  17. 17 Khayte

    Thanks for this wonderful advices, Mr. Chito. I’m gonna start taking advantage from your post, lol. I wish I would pass UPCAT this summer, gaaah. D: I’d be taking a comprehensive review like Rosenel would. ;)

  18. 18 mae

    hala patai na pano yon nagcandaletche letche pa nman ang mga grades co nun 1st year saka 2nd year..=s

  19. 19 ramil

    Sana makapasa ako sa UPCAT exam!!! Plssss God forgive me!!!

  20. 20 melzy

    wow..binasa ko talaga..ngayon palang kinakabahan na ko..I hope i would pass UPCAT this August..haays..thanks po sa tips..

  21. 21 Chito

    Goodluck sa ‘09 takers. Disclaimer lang, nung 2007 pa yung info na ‘yan (regarding sa UPCAT exam details, hindi yung tips ko mismo) so kung mayroon kayong gustong idagdag iwan nalang sa comments niyo. Goodluck ulit! Galingan niyo. :)

  22. 22 kev

    tnx sa mga tips..mlpt n rn ako mag take..mxdo akong naghahanda..hehe,lam ko makkatulong to..ty ulit..visit nlng nxt tym..^_^

  23. 23 Mary Anne

    thanks sa mga tips… sana makapasa… ^_^
    bigla tuloy akong kinabahan ;]

  24. 24 jha

    [ei, 09 examone aq...knkbhan dn...aun..desperado tlaga aqng mkapaxa x UP ehh. lol!

  25. 25 ara

    thnx! nice post!.. wish me LUCK, mr. chito!

  26. 26 Chito

    Mary Anne, jha, ara, you’re welcome! galingan niyo sa UPCAT, haha.

  27. 27 net

    hey kev, i thnk i kno u..nvr mind! haaaay, sana mkpasS aq. pRo may tao bng mka2pass ng upcat ng kht mnsan hnd pa nagre2view?! hay, sana mron nman..;)
    anyway, pra sa atng mga magta2ke dis yir,
    brush up on! God bless & good LuCk!

  28. 28 jonell

    lols talagang di ako kumurap ng mata mabasa lng to’ haha!magtatake din ako ng upcat medyo kinakabahan na!pero excited din nman!I hope na mapapasado ko tong upcat!!gusto ko talaga magaral sa up kc eh(kayalang 4th year na nyan super busy na nyan kc honnor din eh)hay sana makapagreview ako ng husto!wala nang vaacation sakin nyan haha!!thanks alot po sa tips!!thnk u thank u!!=)

  29. 29 John Paul

    Lord, Guys please,.. HELP me, pag PRAY nyo poh ako PLEASE!! this august 2008 na^^

    I Believe^^

    LORD! Gagawin ko ito para sa iyo at sa Family ko!!!

    ^_^

  30. 30 yen-yen

    waaa!! kinabahan ako dun bigla ah?! thanks po sa nagpost ng tips na toh,,,susundin ko talaga tong mga toh pramis!!! gusto ko talagang pumasok sa UP ehh…haiss…kinakabahan talaga ko..grabeh!! pag ako nakapasa ililibre ko ng lunch kung sino man ang nagpost nito…pramis!! haha!! sa mga aspiring UP students na kagaya ko…kaya natin toh! gudlak sating lahat! sana makapasa tayo!! aun..kitakits sa UP..go!! ajah!!!! :D

  31. 31 ivan

    buti na lang hindi palakol yung average q at mataas naman aq sa math.
    tanong ko lang po,,, nakalimutan ko kasi isulat yung address nung skul q. pero pinasa q sa skul for the batch ewan tyaka para sa form 2… aus lang ba yun???

  32. 32 mikel

    marami pong salamat sa mga tips na ibinigay nyo makatutulong ito ng malaki sa aming mga kukuha ng upcat

  33. 33 francia

    Thanks for posting this! Sa August na din po ako magta-take ng UPCAT. Gusto ko talaga kasi dun mag-aral (hindi, sabi kasi ng nanay ko eh. Haha.) Kailangan talaga magbasa-basa na ulit ako nung reviewer at ayusin na din ang pag-aaral ko. Hilig ko kasing mag-procrastinate tapos nasanay ako sa cramming.

    Hindi pa namin nasusubmit forms namin. Hay! Sa June 25 na po deadline. Province po kasi kami then sa designated test centers na lang dito.

    Makapasa sana tayo! Good Luck sa ating lahat. Kaya natin yan!

  34. 34 Chito

    Mahal na tuition namin ah, hehe. Anyway, galingan niyo, study hard! :D

  35. 35 toastedsiopao

    woi, slmt sa nagpost n2, haha, chito ba yun? hmmp d pa aq tpos sa 4m, hehe, bukas na ang last submixn, haha, greet q lng mga taga NAGA CITY SCIENCE hs, hmmp, binasa q lahat na nand2, haha, ang exam ba aypareho sa lahat ng course??? tanong lng? kitakitz nalng qng makapasa sa UP, haha saang skul kayo? hmmp, pagkasali daw sa top 10 hindi na magbabayad 450, haha, gud lak sa lahat, hmmmp, greet q ang CORPS namn, haha, saka ung ZEPHYRUS, batch name namin, ung mga teacher, haha, thx sa mga nagpaparticip8 d2, hmmp, tanung q, wala ba sa UP mga taong mayayabang? yung mga siga dun, wahhh, ilan ba ang tuition sa up? ave? hmmp, sana makapasa aq? wahh, tapos ung mga kabatch q, hehe,cgehhh, ingat kau lahat, magrad8 na tau, hehe, wahhhh, mwuuuaahhh………..

  36. 36 Chito

    toastedsiopao,

    1. Yup pare-pareho lang ang exam. Kaya ka pinapili ng choices of campus and course ay dahil irarank kayo according to your University Predicted Grade (UPG) tapos depende na sa course na gusto mo kung makakapasok ka o hinde. i.e. kung maraming mas mataas sayo na same as yours yung course na pinili mo tapos quota course, less ang chance na makapasok ka sa course na iyon.

    2. Sa Quezon City Science High School ako nag-high-school. Ako ay 2nd year BS Civil Engineering na sa UP Diliman.

    3. I would say na sa UP Diliman ay halu-halo ang mga tao. Lahat ng stereotypes nandoon. I won’t name any fraternities and/or organizations hehe.

    4. Php 1000 per unit ang tuition sa UP. Kami ang unang batch na ginawang 1000 a unit. Dati 300 pesos lang. Badtrip. Haha. Sa isang sem (17-20 units ako) Php 19,000 - Php 22,000 ang fees ko.

  37. 37 kat

    salamat po sa tips laking tulong nito for sure!!!!!!!!!!!!!!!!!11

  38. 38 _honey_

    ,hi fu!! tnx fu 4 ‘d tipz.. hmn.. azk qu lan fu if civil engineering a quota course?? eun fu kze cu2nin qu weh,,

    ,hayzt! lafit na ng exam.. wish i could pass!!! fati rin eun iva,. gudluck 4 ol of us who will take ‘d exam..

    ,tnx a lot tlga!! kuya chito, ryyt??=’)

    ,aaaaajjjjjjjaaaaa. . .

  39. 39 Chito

    _honey_

    Hello! BS Civil Engineering is a quota course. I am currently under this degree program. For more info regarding my course, visit our department’s webpage regarding admissions.

    Regards and good luck!

  40. 40 Tian Ranche

    Kua Tnx pow kukuha pa lemeng po ako ng test ngeung aug. 2 or 3,2008 Sana makapasa pow ako!!!1 TNx! Po sSa MMMMga…. TIppppssssszzz…..

  41. 41 cariz14

    uhmmm may tanong po ako…ang comp engineering po dba quota?
    ang bs math po?

  42. 42 Gedie_04

    salamat poh s tips…
    Godbless poh s inyong lahat..

    i believe c God tlga ai my plano if papasa kming mga mgtetake ng test this august////
    but then we must believe n igragrant ni Lord(In Jesus name!) ang mga panalangin natin…

    slmat poh s tips..

  43. 43 aaron pasquinel

    naku!! kinakabahan aq! haha, sana naman makapasa aq, tnx sa nagpost nito.. ndi pa q nakasama sa top 10 para libre,, pang rank 11 ba naman e. grabe,

    gudluck sa lahat ng kukuha na exam dis yir, lalo na ang mga taga University of Rizal system laboratory schools. wish us ol luck!

    a a r o n

  44. 44 jerome

    haha, jusko sana pumasa ako.

    22o bang kelangan e non quota ang kors n kunin para mkapasa?

    gow URSM haha, kya natin 2.

    good luck.

  45. 45 Chito

    cariz14

    Ang alam ko lahat ng Engineering courses eh may quota. Punta ka nalang sa Office of Admissions o kaya sa mismong department/college ng kursong gusto mo.

    jerome

    Hindi. Ang pag-apply para sa non-quota course bilang isa sa iyong unang choice ay nagpapalaki lamang ng iyong tyansang makapasok sa UP. Quota course ang aking first choice nung nag-exam ako (BS Civil Engineering) dahil gustong gusto ko talaga ‘to.

  46. 46 carmel

    hi there!graduating student po ako this s/y.i think choosing a quota course gives you a bigger chance to make it through!kahit hindi mo trip yung course okay lang.ang importante makapasok ka sa UP system tapos mag-shift ka na lang ng second sem…kahit mag transfer transfer ka pa!hm..i got that tip from our orientation.in my case, i chose theatre arts and fine atrs.its just fine with me.kailangan lang naman mag-audition for talent.

  47. 47 Chito

    carmel

    Hassle ang mag-shift. My cousin took veterinary medicine in UPLB, hoping that he would shift to a quota course. Unfortunately he wasn’t able to do so, I think dahil hindi umaabot yung grades niya or sa cut-off. Ayon, grumaduate tuloy siyang vetmed even though he didn’t really like it.

    I tend to disagree with your “ang importante makapasok ka sa UP system tapos mag-shift ka na lang ng second sem”. If UP isn’t for you, maybe other universities (such as ADMU and DLSU) could accomodate you. The more important thing is your enjoyment in the degree program you’re in.

    As Confucius once said: Choose a job that you want and you’ll never work a day in your life. I’m not saying na your course would be the basis for your job, pero paano ka magpeperform at your best if you don’t like what you’re doing?

    Oh and another thing, kaya yan yung sinasabi sa mga orientation/reviews, kasi gusto nila mataas ang pasing rate ng school/review center nila.

  48. 48 mang Pred

    wuiwui. kay kuya chito na nagpost nito.. maraming salamat.. isa ka sa mabubuti at mapagmamalaking Filipino.. dahil binabahagi mo sa iba ang iyong mga kaalaman ng walang hinihintay na kapalit..HAHA maraming salamat!..
    nakatulong tlga to..
    hay.. ayun nga.. sa agosto 2 na ang pagsusulit ko sa UP, arggh. kabado din.. pero i believe i can do this. kahit prang na iintimidate aku pag nakikita ko yung mga classmates ko na prang maganda yung mga pinagrebyuhan at dun din sa mga tga science skuls.. la lng.. kxe prang lahat sila papasa HAHA. well i’ll just do my best and pray hard.. sana makapasa tlga ko sa mga universities na pag eexaman ko..
    kuya chito tips nman jan sa acet o sa iba pang universities na pinagexaman mu. (ua&p, ustet kung nagexam ka man jan).. HAHA. ayun. gudlak sa lhat ng mageexam ngaung 2009. kung pede lng sna lhat ng desidido at buo ang pagnanais na makapasa ay mkapasa.. pra sa katuparan ng ating mga pangarap. HANEF!
    *bow*

  49. 49 Chito

    mang Pred

    Salamat at nakatulong itong entry ko na ‘to sa’yo, hehe. Ang USTET ang pinakamadaling exam sa mga napag-examan ko. Pero kailangan mo paring mag-aral siyempre.

    Para sa tips sa ACET, sandali lang at hahalukayin ko ang luma kong blog para sa tips sa ACET. Matrabaho ang exam na ‘to at masakit sa batok.

    Ang mga unibersidad na kinuhanan ko lamang ng exam at ipinasa ko ay UP, ADMU at UST kaya’t hindi ako makapagbibigay ng tips para sa iba pang unibersidad.

    Wag ka maintimidate sa mga kaklase mo at sa mga estudyanteng taga-science high schools, kaya ka nga kumukuha ng mga entrance exams eh para mahiwalay nila ang mga talagang magagaling na graduates ng iba’t ibang high schools eh. :) Galingan mo!

  50. 50 mang Pred

    wow. salamat.
    i’ll be waiting for the acet tips. :D.. btw.. Ginoo..san ka galing na highschool?.
    Graduate na po ba kayo nam college?..
    oh well.. mraming salamat ulit.

  51. 51 riva

    hay,knkabahan ako,diyos ko nursing pa naman 1st choice ko,eh quota course yun,tsk tsk,bs biology at english studies nlng ang pg asa ko,balita ko ilang daan lang kinukuha nila sa nursing,hay, i’m so anxious buot d exam. pag pray ko nalang,and anyway thanks for the tips,i’d searched this sa google eh,some tips regarding upcat,thanks you sa nag post nito,basta,i believe in the power of prayers, hay, God bless us all!!!

  52. 52 krixa

    the tips are great. gagamitin ko eung mga napulot ko dito, and if it’s okay I will repost it in my multiply blog.

    6.30 test ko so I will do all my best talaga para makapasa. And I will put into use whatever I got here. I really want to attend UP.

  53. 53 ivan

    Sabi ng teacher namin sa TOP Brains eh ang may pinakamataas na cota grade ngayon ay Manila, sunod Diliman tapos Baguio at last Los Banos.
    Sabi kapag provincial ka may 0.01 advantage ka na tapos kapag baranggay public ka naman another 0.01 advantage uli then kapag Science high school/State universities and colleges ka 0.01 pa ang dagdag at last but not the least kapag public ka another 0.01 nanaman so kung yan ang basehan ang wawa naman kaming mga private dito sa maynila. at isa pa mag-ingat sa pagshade madami ang nagkakamali dyan… Sana makapasa ako…. God help me

  54. 54 ivan

    sa acet naman, madami daw ang exam at time pressure talaga… mas matindi sa UP at may essay pa…. if im not mistaken 9 exams ata lahat

  55. 55 Chito

    mang Pred

    Pasensya na ang tagal, ngunit sa tingin ko hindi makatutulong sa ‘yo ang comment na ito mula sa schoolmate ko noong high school na si Ziella. (http://first.superhelios.com/2006/06/23/ipod-cyl-and-other-beautiful-things/#comment-247)

    Ang sakin lang, eh mas mahirap ang exam ng ADMU. Sa ADMU, kalaban mo ang exam. Sa UPCAT, kalaban mo ang mga kumukuha ng exam. Sa dami ba naman ng mga kumukuha, eh talagang maliit ang tyansang makapasok.

    Makikita sa “About” page ang aking educational background. Graduate ako ng Quezon City Science High School, ngayo’y 2nd year palang sa UP Diliman.

    krixa

    Kindly refer to my disclaimer page if you’d like to repost this. (http://superhelios.com/about/disclaimer/) Anyway, here’s the excerpt on copying:

    The opinions expressed, digital artwork and photography, and poetry in Super Helios is owned by the author and protected under the Creative Commons Attribution-Noncommercial-Share Alike 3.0 License unless stated otherwise. Although Super Helios encourages the distribution of its content (but not all of its contents), any reproduction of Super Helios’ content (1) must credit Super Helios by name and Uniform Resource Locator (URL), (2) must not be used for commercial purposes and (3) must be reproduced as is and should not be altered unless given permission to by the author. Should you link to this domain you alone are responsible for that action and should, under threat of litigation, credit this website by name and URL.

    :)

  56. 56 Claude

    Ako din mag UPCAT! Sana I can pass. Ok lang naman grades ko nung Highschool. (86 to 91)Rrrr! Theater arts 1st choice ko sa diliman.. madali ba pumasok dun?
    Nyway! GOD BLESS SA LAHAT NG MAGTATAKE!

  57. 57 MIyuki

    waaaa…..

    kabog kabog…

    wahahahaaha…

    kabado na aq….

    ty sa tips!!!

  58. 58 ianbr1193

    Tnx pow sa tips….. Dis Aug. 2,2008 kukuha na me ng test 6:30 Am na sna mk2long po un gtips niyo tnx pow tlga God Bless…. SSnnnnna…. Mkpasok me kc…. Pangarap ko po un tlga

  59. 59 Mang Pred

    Waah.. uan wik na lng.. peru nagrerebyu pa din aku.. hehe. hanggang bisperas ng UPcat magrerebyu ku.. dme pa gagawin sa skul .. hay..
    HAHA. kainis nman science eh..dun aku nahihirapan.. hay.. sna lng hindi puro memorize. sna yung mga analytical lng.. hehe.
    well.. peru sna makapasa ko.. anyway.. paghahandaan ku pa and acet. hay.
    slamat ule kuya chits..

  60. 60 Pogi

    Scary naman ng UPCAT… Malamig ba sa College of Business Administration?

  61. 61 carl

    Thanks alot for your help.. Bydwy
    Do you have ACET tips?

  62. 62 ivan

    sana non quota course ang kinuha ko. bakit ko naman kasi kinuha ang ECE at Chem. Eng. Sana madali lang ang UPCAT. Ano po ba ang point na dapat makuha sa Diliman? Nagkaroon kami ng simulation exam sa TOP Brains and second to the highest ako 94/170. Di pa kasama yung .25 na ryt minus wrong. nung kinompute ko bagsak kaming lahat dun. Gano ba kalaki ang percentage ng hs grades sa upcat?

  63. 63 Chito

    ivan

    Hindi ako nakasisiguro sa mga UPG (University Predicted Grade) cut-offs ng bawat campus, wala kasi akong access sa mga impormasyon na ‘to (although pwede mo yata malaman sa Office of Admissions, tinatamad lang ako hehe) kaya hindi kita matutulungan diyan. Mahirap talaga ang mga prinepreparang exam ng review centers. Mababa rin ako noong nag-take ako sa Experts Guide. Ang nabasa ko sa peyups eh 50% yung HS grades.

  64. 64 lenard

    tnz sa inio lhat nbsa ko 2 ngaun lng grave di na ako pumikit ava..

    ty sa mga tips.. tnx a lot!!

  65. 65 zandx

    May nakapagsabi sakin ng mga cut-offs sa mga UPG per campus. Hindi ko lang sure kung totoo.
    2.3- UPD
    2.4- UPM
    2.7- UPLB/UPB
    2.8- Other UP campuses

    Whew. Sana makapasok sa top 10,000! XD Thanks nga pala for the tips kuya Chito.

    Ay, thanks nga pala sa pagsabi na malamig sa mga rooms sa School of Economics. Tatandaan kong magdala ng medyo makapal na jacket. Haha. XD

  66. 66 Mikan

    wow… na eexcite aq….

    hehehe

    maraming slamat s tips….

    mkpsa man o hndi wag mawawalan ng pag-asa

  67. 67 raquel poblador

    wow… na eexcite aq….

    hehehe

    maraming slamat s tips….

    mkpsa man o hndi wag mawawalan ng pag-asa

    kinakabahan na poh aq!!!

    pray nlNg poh aq!!!!!

  68. 68 Rommel

    More tips on the UPCAT :-)

  69. 69 Lyckaa

    kinakabahan na aco. nagreview center aco nung bakasyon, ‘tas nagreview center uLit c/o UPNE ng UPLB, ‘tas review.review.review. pero nakakakaba pa rin. ggrrr. sa sabado na iyong upcat. haha. ano po ba ang kadaLasang madaming LumaLabas sa test.?? mahirap ba iyong engLish sa upcat.?? :))

  70. 70 Nic